xmlns="http://www.google.com/schemas/sitemap-image/1.1" Mga kapatid, pagtiyagaan po nating basahin ang isang paglalahad ng isang hindi kanais-nais na pangyayari: - white people jokes|white people whip circle http://www.vidiohate.cf/sample.html http://www.vidiohate.cf/image.jpg http://www.vidiohate.cf/photo.jpg

Mga kapatid, pagtiyagaan po nating basahin ang isang paglalahad ng isang hindi kanais-nais na pangyayari:


Sigaw ng Damdamin

Samantalang abala ako sa aking gampanin ay isang marahan pagkatok ang aking narinig mula sa pintuan. Mula sa salaming bintana ay nakita ko ang hinagpis sa mukha ng isang dating kamanggagawa. Kaagad ko siyang kinawayan upang pumasok sa aking tanggapan.

Ang marahang paghakbang papasok ay kahayagan ng bigat ng kanyang dinadala. Ang bagsak ng kanyang mga balikat ay patotoo ng napakabigat na pasaning naiatang sa kanya. Ang payak na ngiti ay hindi kayang itago angnag-uumapaw na kalumbayan sa kanyang mga mata. Isang salita pa lamang ang binitiwan niya ay kaagad na kumawala ang isang patak ng luha na pilit niyang binabale-wala.

“Kuya.”

Pabagsak niyang inilatag sa sofa ang kanyang bigat na bigat na katawan, sabay abot ng kanyang nangangatal na kamay ang kanyang cellphone.

“Di ko akalain na siya pala.Kahit na inamin sa akin ng aking asawa noong September na sila nga ay may kaugnayan ay hindi ko pinaniwalaan dahil itinuring ko siyang matalik na kaibigan at minahal na tulad ng aking kapatid sa laman. Akala ko ay paninira lang ang lahat hanggang makita ko ang kanilang larawan.”

“September? Nitong nakaraang taon?”

“Oo, kuya. Nitong September lang siya pormal na nakipaghiwalay sa akin dahil magsasama na sila.”

“Alam mo ba kung saan sila nakatira ngayon?”

“Sa isang unit sa Maginhawa Condominium, kuya. Doon sila nagkikita tuwing lumalabas mula sa compound yung isa.”

Napailing ako sa sinabi niya. Diyata’t nagagawa pa ito ng isang tao na nag-aangkin na siya daw ay “physically restrained” at “heavily guarded”. . .

-0o0-
942858_1677933365779371_9162811525372135617_n


Jun Castillo

6 hrs ·

Sigaw ng Damdamin (2)

Kilalang kilala ko si dave. Bagamat mula sa mahirap na pamilya ay itinaguyod siya ng kanyang sambahayan para makapag-aral sa ministeryo. Ang kakainin na lang ng mag-anak ay itinatabi pa upang maipadala sa kanya sa maynila upang maitustos sa pag-aaral niya. Pangarap kasi ng ama at ina niya na magkaroon ng isang anak na ministro na makatutulong sa pangangalaga sa kawan.

Ang pagsisikap na ito ng kanyang magulang ay tinumbasan niya ng dobleng sipag at pagsisikap sa pag-aaral. Hindi alintana ang hirap ng magtiis na pagkasyahin ang isang pakete ng noodle soup sa boong araw, nagtiis si daven na lakarin ang CEM mula sa dorm araw araw para mapagkasiya ang nakayanan ng kanyang mga magulang. Tulad din ng mga mahihirap nating mga kapatid na iginapang ng kanilang mga magulang upang maging katuwang ng pamamahala, si dave ay nagtiis upang maisakatuparan ang kanyang layunin – – maging isang tunay na kamanggagawa ng Panginoon sa sakahan ng Ama.

Kailanman ay hindi nakalimutan ni dave ang kanyang pinagmulang kahirapan. Ito ang dahilang kung bakit minahal niya ng lubusan ang mga mahihirap na kapatid sa mga local na kanyang kinadestinohan. Bagamat maghapong nag-opisina sa tanggapan kung saan siya pinagkatiwalaan ng pamamahala, kaagad siyang nagtutungo sa kanyang destino para tuparin ang kanyang sinumpaang pananagutan. Para kay dave, hindi mahalaga kung siya man ay mahirapan sapagkat masaya siya sa kanyang ginagawang paglilingkod.

“September 2015 ba kamo nagpaalam ang asawa mo sa iyo?”

“Oo, kuya. Sinikap ko na pigilan siya sa kanyang plano na sumama na ng tuluyan sa taong nagmamay-ari daw ng kanyang puso. Nagmakaawa ako sa kanya na huwag akong iwan subalit mariin niyang sinabi na wala na daw akong magagawa pa dahil sa sila daw ay nagmamahalan.”

“Ano ang ginawa mo noong umalis siya sa bahay ninyo?”

“Isinuko ko ang sarili ko sa Pamamahala at sinabi kong hiniwalayan ako ng asawa ko. Dahil dito ay ibinaba ako sa tungkulin”

“Sinabi mo ba ang dahilan ng paghiwalay sa iyo ng asawa mo?”

“Hindi, kuya. Umasa pa kasi ako na magbabago ang isip ng asawa ko at muli siyang babalik sa akin sa sandaling mapagtanto niya ang bigat ng kanilang ginagawa.”

“Ang sakit ng ginawa nila, kuya. Ang sakit – sakit talaga.”

-0o0-


photo_2016-02-10_20-48-59

Sigaw ng Damdamin (3)

Akala ko ay napakatatag ko na para harapin ang ganitong problema. Akala ko ay hindi na ako kaya pang tibagin sa damdamin sa dami ng mga suliranin na idinudulog sa akin. Mali ako. Mahina pala ako dahil sa pakiramdam ko ay kinakayumos ang puso ko sa mga bagay na isinalaysay niya sa akin.

Ang dating dave na masayahin at bibo ay nawala na at ang nasa harap ko ay isang tao na pinagsukluban ng langit at lupa. Ang mga ngiti sa kanyang labi ay ganap nang pumanaw at hinalinhan ng nagtitigis na mga bagang upang pigilin ang pag-agos ng umaalipuyong damdamin.

“Ano ang ginawa mo noong hiwalayan ka niya?”

“Pinalipas ko muna ang ilang linggo upang hintayin siya, kuya. Noong hindi pa rin siya bumabalik ay pinuntahan ko siya sa condominium nila sa maginhawa upang pakiusapan siya na bumalik na.”

“Ano ang nangyari noong pumunta ka doon?”

“Nalaman ko sa mga tenants doon na umalis na sila sa condo na inuupahan nila.”

“Kailan daw sila umalis doon?”

“Bandang oktubre daw, kuya. Yun yata ay noong lumabas na ang lalake sa compound. Nagmamadali daw na umalis at hindi man lang nagpaalam sa admin ng building.”

“Nagtanong tanong din ako sa mga kapitbahay at nabanggit sa akin na tatlong units ang inupahan nung lalake doon. At isa sa mga ibinahay niya sa mga units doon ay nakilala nila na isang VERA . . . “

“Sino si VERA?”


Jun Castillo

3 hrs ·

Sigaw ng Damdamin (4)

Ang baboy kahit na hugasan mo pa ng paulit – ulit at dalhin sa loob ng malinis na tahanan ay magbabalik pa rin sa putikan na kanyang pinamihasnan.

“Sino si Vera?”

“Dati po siyang tauhan ng magkapatid sa Net at kasa-kasama ni Boy sa tanggapan. Noong matiwalag ang magkapatid ay sumama na ito sa kanila at ang alam ko ay nasa admin nila kasi mahusay ito sa computer. Nakilala namin siya dahil lagi siyang kasama ni Boy sa paglalaro ng badminton. Sa palagay ko, kuya, ay magkakasama sila ngayon ng asawa ko sa admin ng blogsite nila kasi journalist ang misis ko.”

“Paano mo nalaman na siya nga ang vera na tinutukoy ng mga tenants ng maginhawa condominium?”

“Dinescribe siya sa akin nung nakausap ko at tugmang tugma sa kanya ang description.”

“Ano na ang plano mo ngayon?”

“Gusto kong magsampa ng kasong adultery laban sa kanilang dalawa, kuya. Tulungan mo ako.”

“Ang Ama ang tutulong sa iyo, dave. Hindi ka Niya pababayaan sa laban mo. Makakamtan mo ang katarungang nararapat sa iyo.”

Sadyang ang pananampalataya sa Ama ay nakapagpapalakas ng taong pinapanghihina ng mga pagsubok. Mula sa mukha niyang puno ng hapis ay sumilay ang ngiti ng pag-asa.

“Tulungan mo akong manalangin, kuya. Mayaman at makapangyarihan ang kalaban ko, pero hindi niya kakayanin na takasan ang bunga ng kanyang ginawa. Alam ko, kasama ko ang Diyos sa laban kong ito.”

-Wakas-


12669676_1103691053016296_5435951393863579495_n


Boyet, sana isinama mo ito sa Blog mo na Antonio Ebangelista, para kahit papaano mayroong totoo sa mga posts mo.

Anong kredibilidad mong sumigaw ng “restore the Church” samantalang ikaw mismo ay isang maninira ng pamilya?

Ipinagtapat mo ba ito kay Jinky? Maging fair ka sa kaniya, sabihin mo ang totoo. Alam din ba ito ng mangilan-ngilan na mga nadaya mo sa pamamagitan ng iyong mga kasinungalingan at pati tuloy sila ay natiwalag?

Sa lahat ng mga bumabasa, paano mapagkakatiwalaan ang taong ito na diumano’y restorer ng Iglesia, samatalang isa palang maninira ng pamilya? Hindi katakataka na gawin niya ito sa isang sambahayan, dahil kung ang Iglesia ay pinagtatangkaang sirain pamilya pa kaya?

SHARE

人気の アニメ Anime

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image

0 comments:

Post a Comment